Source:
ABS-CBN News Online
Makatawag pansing kasuotan ng ibat-ibang klaseng terno, baro't saya at makukulay na kasuotang Muslim sa red carpet ng State of the Nation Address (SONA).
Taun-taon mayroon talagang mga miyembro ng media na red carpet fashion ang tinututukan.
Hindi lamang kasi ang talumpati ng Pangulo ang binabatikos.
Inuusisa rin ang mga kasuotan ng dumadalo sa SONA.
Kaya ang ilang mambabatas, ginawang daan ang red carpet sa SONA para mapansin ang isinusulong nilang batas at hinaing sa administrasyon.
read more »