What’s Cooking in Malacañang? Gabriela Solons Junk Arroyo's Con-Ass Express
“There’s something fishy in Malacañang!” said Gabriela solons Liza Maza and Luz Ilagan today as PGMA’s final State of the Nation Address draws near.
“Tila umaalingasaw na ang nilulutong Con-Ass Express sa palasyo at ito ay ihahanda sa nalalapit na SONA. Ngunit ang mga putaheng ito ay kailanma’y di masisikmura ng taongbayan. Bagkus, matagal na itong sinusuka dahil mas masangsang pa ito sa panis na pagkain,” Maza said.
Through a short spoof dubbed “What’s Cooking in Malacañang?”, Gabriela Women’s Party demonstrated PGMA’s all-time favorite dishes. On top of Arroyo’s menu are Con-Ass Express, Menudo sa Sinangag ala CHACHA and Binuyangyang.
“All these are recipes of deception and exploitation. Only Arroyo and her cohorts would partake in their gluttonous banquet,” Maza added.
“Kahit na ayaw ng mga Pilipino ang cha-cha at con-ass, pilit pa rin itong inihahain at ipinapasubo sa mamamayan. Pinatunayan na ito ng nakaraang SWS survey na nagsasabing mahigit 70% ng mga Pilipino ay tutol sa cha-cha,” said Ilagan.
The Gabriela solons have recently declared that they will boycott PGMA’s ninth and final SONA on July 27. Instead of listening to Arroyo’s lies, they would rather join the nationwide protest calling for her to stop all schemes to prolong her stay in power and sell our sovereignty to foreign interest. ###
M E N U
What’s Cooking in Malacañang?
Con-Ass Express (Bikol Express)
Ang putaheng ito ay pagpapakita kung papaano kabilis niluto ng mga kongresista ang pagpapatupad sa Mababang Kapulungan ng HR 1109.
Mga Lahok:
• ¼ kilong pambababoy ng mga kongresistang alyado ni Arroyo
• 3 tasang maaanghang na pananalita ni Speaker Prospero Nograles
• 1 tasang gata na piniga sa panggigipit
• 1 ginayat na resolusyon
• 1 tasang panggagatas sa kaban ng bayan
• 1 budbod ng pagtutol ng mamamayan
Ang Pagluluto:
1. Ibabad ang maaanghang na pananalita ni Speaker Prospero Nograles sa maalat na tubig. Matapos ang 30 minuto, hanguin at patiktiking mabuti.
2. Simulang lutuin ang pambababoy ng mga kongresistang alyado ni Arroyo, matapos ang ilang sandali ay ilagay sa isang plato at haluin kasama ng mga ginayat na resolusyon.
3. Ihalo ang panggagatas sa kaban ng bayan, hayaang kumulo ng 10 minuto.
4. Idagdag ang gata na piniga sa panggigipit.
5. Ibudbod ang pagtutol ng mamamayan.
6. Timplahing mabuti. Kapag tiyak na sa panlasa ng mga gahaman, iarangkada na sa hapag kainan habang mainit pa.
Binuyangyang (Bulanglang)
Ang putaheng ito ay pagpapakita ng 100% pagpapaubaya ng gobyerno sa pagbubungkal ng likas yaman ng bansa at pagmamay-ari nito na mula sa mga mga multinasyunal na kompanya at dayuhang korporasyon.
Mga Lahok:
• 2 kutsarang naglalangis na kongresista
• ½ kilong taba ni Mike Arroyo
• 1 pakete ng real magic sarap ng pakikipagsabwatan sa foreign investors
• 1 tali ng sitaw ng kasinungalingan
• 1 tali ng bulaklak ng kalabasa ng pangungurakot
• 2 kutsarang bagoong ng pandarambong
• 1 mapait na ampalaya ng pagtutol ng mamamayan
• ½ kalabasa ng pambubusabos
Ang pagluluto:
1. Pagsama-samahin at igisa ang real magic sarap ng pakikipagsabwatan sa foreign investors at ang taba ni Mike Arroyo.
2. Ihalo ang naglalangis na kongresista hanggang sa maluto.
3. Ilagay ang bagoong ng pandarambong at isunod ang bulaklak ng kalabasa ng pangungurakot. Lagyan ng tubig hanggang sa kumulo.
4. Ilagay ang lahat ng natitira pang sangkap ng mga panloloko sa taumbayan.
5. Pagkaluto, siguraduhing maihahain ng mainit para sa masaganang pagkamkam ng mga naghahari at nasa kapangyarihan.
Menudo sa Sinangag ala CHACHA
(Menudo sa Sinangag ala Mac)
Mga Lahok:
• 1 kilo ng baboy mula sa Malakanyang
• ½ kilo ng atay ng baboy sa kongreso
• ¼ tasa ng toyo ni Mike Arroyo
• ½ tasa ng pampalasa ni Gloria
• 1 kutsaritang paanghang ni Mickey Arroyo
• 3 pirasong patatas mula sa hardin ng Palasyo
• 3 pirasong carrots ng panghuhuthot
• 1 pakete ng tomato sauce ni Uncle Sam
Ang Pagluluto:
1. Pagsamahin ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan at hayaang naka-marinate sa loob ng 1 oras.
2. Magpainit ng kawali at kapag mainit na, ilagay na ang binabad na mga baboy mula sa Malakanyang.
3. Kapag malambot na ang baboy sa Malakanyang, isama na ang atay ng baboy sa kongreso, ang carrots ng panghuhuthot at patatas mula sa hardin ng Malakanyang. Intaying kumulo.
4. Idagdag ang pampalasa ni Gloria kasama ang tomato sauce ni Uncle Sam.
5. Pagkaluto, takpan at patayin na ang apoy.
6. Ihain ng mainit na may kasamang pagmamayabang.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket
