Simbahan Giba sa Pajero Bishops
Mawawalan ng kredibilidad ang Simbahang Katoliko kapag hindi dinisiplina ng mga lider nito ang pitong obispong tumanggap ng regalong Mitsubishi Pajero mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bago ito bumaba sa pwesto.
Ito ang babala ni Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus kasunod nang natuklasan ng mga bagong opisyales ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mayroong pitong Catholic bishops na nabiyayaan ng mamahaling sasakyang binili ng ahensya.
Ayon kay De Jesus, marami na ang nawawalan ng tiwala sa mga lider ng Simbahang Katoliko (hindi sa mismong Simbahan) dahil sa ganitong mga ulat at pakikialam sa mga gawain ng gobyerno lalo na kung hindi nila kaalyado ang nakaupo.
“Magaling silang maghanap ng accountability. Pa’no sila ngayon maghahanap ng accountability kung sila mismo ay mayroon ding itinatago. Transparency muna bago sila maghanap ng mali ng iba,” dagdag pa ni De Jesus.
(Nina Bernard Taguinod, Dindo Matining, Boyet Jadulco at Noel Abuel)

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket
