National ID ba't inaapura ni Gloria?
IKinuwestiyon ni Gabriela Rep. Liza Maza ang muling pagbuhay sa National ID system na gagamitin umano ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa darating na 2010 elections.
“The National ID system is Arroyo’s dog tag that will only serve her vested interests in the 2010 elections,” giit pa ni Maza.
Iginiit ng nasabing mambabatas na ang pagbuhay sa unified identification (ID) system na iniulat umanong iiimplementa ngayong taon at lalagdaan sa unang bahagi ng taon ang memorandum of agreement sa pagitan ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth), at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG).
Idinagdag pa ni Maza na unconstitutional at hindi makakatulong na lutasin ang suliranin sa kriminalidad, terorismo at kawalan ng linya sa mga social services sa bansa.
Sa halip umano ay magagamit lamang ito para pagkaitan ang sinuman na makatanggap ng pangunahing serbisyong medikal, edukasyon at maging bumiyahe sa sandaling walang mailabas na national ID card.
Target na maimplementa ito ngayong taon o kaya bago matapos ang termino ni Arroyo sa Hunyo 2010 kung saan, isang ID na lamang ang gagamitin ng mamamayang Filipino.
Optimistiko si Maza na muling maibabasura ang nasabing plano tulad ng nakalipas ay mariing tinutulan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket
