Nasa adyenda ba ni Pang. Benigno Aquino III ang Charter Change?
Ito ang tanong ni Gabriela Rep. Luz Ilagan, na nagbabala laban sa umano’y posibleng “stealth tactics” ng gobyernong Aquino sa pagtutulak sa Cha-Cha.
Nakatakdang talakayin ng Committee on Constitutional Amendments ang House Concurrent Resolution 10, na nananawagan sa Kongreso na i-convene ang sarili bilang Constituent Assembly para matalakay ang panukalang mga pagbabago sa pang-ekonomiyang mga probisyon ng 1987 Konstitusyon.
“Kahina-hinala ang timing,” ayon kay Ilagan, na ipinuntong gaganapin ang pagdinig hinggil sa Cha-Cha sa gitna ng mga pagdinig sa pambansang badyet at imbestigasyon sa dayaan sa eleksiyon at korupsiyon.
Ayon sa mambabatas, kailangang gawin sa ilalim ng pagmamatyag ng publiko ang importanteng mga diskusyon hinggil sa posibleng mga pagbabago sa Konstitusyon.
Target ng Cha-Cha na baguhin ang protectionist provisions para maipatupad ang programang Public-Private Partnerships (PPPs) ng gobyerno, babala ni Ilagan. Aniya,
“Ang todo-todong pagpapatupad sa programang PPPs ni Aquino ay nangangailangan ng pagbubukas sa mga dayuhan ng estratehikong mga industriya, pagmamay-ari ng lupa, likas na yaman, at pampublikong yutilidad. Hindi natin dapat hayaan ang ganitong sell-out ng ating pambansang patrimonya.”

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket
