Mga labi ni Sally Ordinario-Villanueva, nasilayan na ng publiko
NASILAYAN na ng publiko sa kauna-unahang pagkakataon ang mga labi ni Sally Ordinario-Villanueva matapos itong dumating sa bahay ng kanyang kapatid sa Quezon City kaninang 8:00 ng umaga.
Nakalagay sa puting kabaong ang nasabing OFW at nakasuot ng Filipiñana outfit na personal na pili ng kanyang inang si Edith.Ilang oras ding naantala ang kanyang pagburol dahil ang inasahang paghahanda sa kanyang mga labi ay inabot ng halos siyam na oras.
Naging emosyunal ang pamilya ni Sally, kabilang ang kanyang ina lalo na nang tingnan nito ang anak sa kabaong.
Bukod sa kanyang mga kapitbahay, may ilang personalidad na rin ang dumalaw gaya ni Gabriela Rep. Luz Ilagan.
Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ng pamilya Ordinario kung bukas na lamang iuuwi ng Isabela ang mga labi ni Sally para bigyan na rin ng pagkakataon ang iba na makiramay.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket
