Katrina Halili humingi ng tulong sa Gabriela

Source: 
Pinoy Weekly

Maghahain ng panukalang batas ang Gabriela Women’s Party-list na layong magparusa sa mga nagpapakalat ng sex videos.

“Napapanahon na bigyang pansin at isulong ang isang panukala na magbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan laban sa pagsasapubliko, pagpapakalat, at pagbebenta ng pribadong sex videos,” ayon kay Gabriela Rep. Liza Maza.