CBCP probe sa ‘Pajero’ bishops, moro-moro lang?

Source: 
Abante Tonite online

(Bernard Taguinod/Juliet de Loza/Armida Rico) Duda ang ilang mambabatas sa Mababang Ka­pulungan ng Kongreso na mauuwi lamang sa ‘moro-moro’ ang isinasagawang sariling imbestigasyon ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa kontrobersyal na 7 ‘Pajero’ bishops na umano’y tumanggap ng pondo mula sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) at ipinambili ng luxury cars.

Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, hindi siya umaasa na papatawan ng CBCP ng disiplina ang naiskandalo nilang mga kasama dahil tanging imbestigasyon lamang ang ipinangako at walang sinabi ang mga ito kung magpapataw sila ng disciplinary actions.

“I really doubt if the CBCP will come out with disciplinary sanctions among erring members,” pahayag ni Garin dahil marami na umanong mas malalaking eskandalo na nangyari sa mga miyembro ng Simbahang Katoliko subalit walang napatawan ng parusa o kaya’y nadisiplina man lamang.

Ayon naman kay Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus, maghihintay, aniya, ang taumbayan sa magiging aksyon ng CBC­P sa kanilang mga kasamahan na nasasangkot sa eskandalo sa PCSO.